Ang mga Dapat Malaman tungkol sa International Study
1. Ingles ang wika ng pagtuturo
Itinatakda ng bawat institusyon ang sariling antas nito ng English proficiency o kahusayan ng isang tao sa Ingles. Ang EPBC Search database ay may impormasyon tungkol sa English Language Proficiency ng bawat institusyon. Para sa karagdagang impormasyon, kontakin ang mga institusyon kung saan mo binabalak na mag-aral upang makompirma na sapat ang kahusayan ng iyong Ingles para sa kanila. Ang English as a Second Language (ESL) upgrading support ay available sa karamihan ng mga institusyon.
2. Kumuha ng study permit
Kung ang iyong academic degree program ay magtatagal nang mahigit sa 6 na buwan, kailangan mong kumuha ng study permit. Tingnan ang Citizenship and Immigration Canada upang malaman kung paano makukuha ito.
3. Kailangan mo ng health insurance
Kung ikaw ay mag-aaral sa BC nang mahigit sa 6 na buwan, kailangan mong mag-enroll sa BC Medical Services Plan (MSP).
Dahil maghihintay ang mga bagong dating sa BC nang humigit-kumulang sa 2 hanggang 3 buwan bago magkabisa ang MSP, dapat kang mag-apply para sa BC MSP kaagad pagdating mo. Kontakin ang International Student Service Office ng iyong post-secondary na institusyon upang makakuha ng pansamantalang health insurance habang ikaw ay naghihintay.
4. Kausapin ang isang Advisor sa iyong Institusyon
May Academic Advisor at International Student Advisor sa bawat institusyon na makasasagot sa mga katanungan tulad ng proseso ng aplikasyon/admission, at mga mapipiling programa. Kontakin ang isang advisor sa institusyon kung saan nais mong mag-aral at tanungin ang lahat ng gusto mo tungkol sa pag-aaral, paninirahan, at pagtratrabaho sa BC.